Isinagawa ngayong araw sa bayan ng Asingan ang orientation ng Agri-Puhunan at Pantawid (APP) program sa pangunguna ng Development Bank of the Philippines (DBP) at ng Department of Agriculture (DA).
Ang Agri-Puhunan at Pantawid Program ay naglalayong magbigay ng murang pautang, tulong pinansiyal at suporta na makapagpapataas sa produksyon at benta ng palay ng mga magsasaka.
Sa ilalim ng programa, ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng Intervention Monitoring Card (IMC) na magagamit nila sa pagbili ng mga farm inputs tulad ng binhi at abono sa mga accredited merchants na nagkakahalaga ng Php28,000, at makatatanggap din sila ng Php32,000 na cash na hahatiin sa Php8,000 na maaari nilang makuha tuwing unang linggo sa loob ng apat na buwan na mayroong 2% na interest kada taon. Habang ang National Food Authority (NFA) naman ang bibili ng mga palay pagdating ng anihan.
Sa mga interesado kumuha ng programang ito ay makipag ugnayan lamang sa ating Municipal Agriculture Office na matatagpuan Barangay Macalong.