Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU Asingan Kinilala Bilang Pinakamahusay sa Implementasyon ng mga Programa Para sa 4PS sa Lalawigan ng Pangasinan

Aug
26,
2024
Comments Off on LGU Asingan Kinilala Bilang Pinakamahusay sa Implementasyon ng mga Programa Para sa 4PS sa Lalawigan ng Pangasinan
LGU Asingan Kinilala Bilang Pinakamahusay sa Implementasyon ng mga Programa Para sa 4PS sa Lalawigan ng Pangasinan
Ideneklara bilang provincial winner ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) matapos nitong sungkitin ang Model LGU supporting the Implementation of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay ayon sa anunsyo ng Provincial Operation Office (POO) nito lamang nakaraang linggo.
“May mga kakaiba tayong mga programa na ginagawa natin dito in Asingan in support sa implementation ng 4ps at mga ordinances tayo. Meron tayong capabality building ng mga parent leaders, huwarang pamilya, family day celebration at iba pa. Yung mga gra-graduate sa programa dito sa Asingan tinutulungan pa rin natin sila katulad ng livelihood, skils training para atleast hindi na sila babalik na maging mahirap.” ani ni Teresa Mamalio, Municipal Social Welfare and Development Officer ng Asingan.
Sa kabuoan ay nasa animnaput walo (68) na pamilya ang nagsipagtapos sa 4Ps ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng Asingan.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng limang araw na libreng training ng Manicure at Pedicure para sa 4Ps, Solo Parents at Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI).
Ang 4Ps ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayong maiangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pag-aaral ng mga kabataan, nutrisyon at kalusugan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top