Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Asingan Jeepney Transport Corporation Libreng Sakay

Aug
8,
2024
Comments Off on Asingan Jeepney Transport Corporation Libreng Sakay
4 Na Mayor, Nagsanib Pwersa Upang Paboran and Libreng Sakay sa Kanilang Mga Lugar
Good news para sa mga mananakay na bumibiyahe sa bayan ng Asingan, Rosales (Carmen), Binalonan at Sta. Maria dahil simula ngayong araw ng Lunes August 12 ay magkakaroon ng service contracting o libreng sakay.
Nasa dalawampu’t anim (26) na jeep ng Asingan Transport Corporation ang masasakyan ng libre ng mga commuter mula alas sais ng umaga (6AM) hangang alas singko ng hapon (5PM) hanggang araw ng biyernes August 16.
“Binigyan kami ng pabor para makapag biyahe kami dito sa demand survey ng mga pasahero. Sana po tangkilikin natin itong libreng sakay sa Monday hanggang Friday po.” pahayag ni Hermino Agne, Chairman ng Asingan Transport Corporation.
Kung sakali, nasa P25 hanggang P35 ang maaring matipid ng mananakay sa rutang ito.
Kabilang sa mga sumang ayon at pumirma para sa nasabing libreng sakay ay sina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., Sta. Maria Mayor Julius Ramos, Rosales Mayor William Cesar at Binalonan Mayor Ramon Ronald Guico IV.
Ito ay sa inisyatibo ni Gilbert Estrella, anak ni Secretary Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform katuwang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top