Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

2024 Seal of Good Local Governance Regional Assessment and Onsite Validation

May
28,
2024
Comments Off on 2024 Seal of Good Local Governance Regional Assessment and Onsite Validation
Isinagawa ngayong Lunes ang unang araw ng 2024 Seal of Good Local Governance Regional Assessment and Onsite Validation sa Municipal Conference Room.
Pinangunahan ito ng DILG Sub-Regional Assessment Team na pinamumunuan ni LGMED Chief Rhodara Soriano.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua at ng mga opisyal ng LGU Asingan ang team na magsasagawa ng assessment at kanilang ibinahagi ang mga proyekto at inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng epektibo at mahusay na pamamahala sa bayan.
Layunin ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Validation na kilalanin at bigyang parangal ang mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng tapat, mahusay, at mabuting pamamahala.
Ito ay iginagawad sa mga local government unit na matagumpay na nagpapatupad ng mga programa at serbisyong nagtataguyod ng transparency, accountability, at mataas na antas ng serbisyong publiko para sa kapakanan ng mga mamamayan nito.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top