Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Suspensyon ng mga Klase sa Pambublikong Paaralan Balak Palawigin

Apr
28,
2024
Comments Off on Suspensyon ng mga Klase sa Pambublikong Paaralan Balak Palawigin

Suspensyon ng mga Klase sa Pambublikong Paaralan Balak Palawigin ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr hanggang Mayo

Dahil rin sa inaasahang patuloy na mainit at maalinsangang panahon na mararanasan hanggang sa susunod na buwan ayon na rin sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay pina-planong isuspende ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang mga panghapon na klase ng mga pampublikong paaralan sa buwan ng Mayo sa Asingan.
Ito ay kanyang minungkahi sa harapan ng mga guro at principal sa isinagawang pagpupulong ng 2023 Child Friendly Local Governance Audit (CFLGA).
Isinasagawa taon taon ang Child-Friendly Local Governance Audit upang masuri ang pagganap ng mga lungsod at munisipalidad sa pagpapatupad ng mga polisiya, programa, proyekto, at aktibidad na pambata.
Ang assessment ay sumasaklaw sa limang indicators: survival, development, proteksyon, pakikilahok, at pamamahala.
Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan ay nagpapasalamat rin sa lahat ng naging bahagi upang makamit ang pagkilalang ito.
Muling nagpapaalala ang alkalde sa lahat ng guro na magdoble-ingat lalo na ngayong tumitindi ang init ng panahon.
Ginawang halimbawa ni Mayor Lopez Jr. sa nangyari sa dalawang guro na nasawi dahil umano sa heat stroke sa ibang bayan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top