Bilang pagpapakita ng malasakit at pagmamahal ng magkapatid na Gilbert at Albert Estrella katuwang ang ABONO Partylist sa bayan ng Asingan ay namahagi sila ng libreng uniporme sa mga barangay frontliners.
Umabot ng kabuoang 1,257 na bagong damit ang ibinigay sa elected at appointed barangay officials na kinabibilangan ng mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, BRK, SK Chairperson, SK Officials, BHWs, BNS, BSPO, CVOs, Barangay Electrician, Garbage Collector, Barangay Administrator at Day Care Workers.
Kabilang sa nagbigay din ng kanilang mga mensahe sa nasabing programa ay sina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. , Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Liga President Herminio Alcantara, mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan Provincial Office, Land Transportation Office (LTO) Region 1 at Department of Labor and Employment (DOLE) Eastern Pangasinan Field Office – Rosales.
Kaalisabay nito ay nagkaloob din ng libreng serbisyo medical ang Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center.
Tiniyak ng magkapatid na Estrella na hindi ito ang magiging huli nilang pagbisita sa bayan ng Asingan at makakaasa ang mga frontliners ng mas madami pang serbisyo publiko mula sa kanilang pamilya.