Pinangunahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer Teresa Mamilio ang pamamahagi ng medical assistance para sa sampung persons with special needs na nagkakahalaga ng limang libong (P5,000) piso bawat isa.
Ang financial assistance ay mula sa pondo ng lokal ng pamahalaan na maaring gamiting pambili ng gamot ng mga bata at iba pa.
Sa ngayon ay nasa humigit kumulang 60 children with special needs ang nasa ilalim ng pangangalaga ng Stimulation and Therapeutic Activity Center o STAC.
Ang STAC ay binubuo nina Alvin Erwin Paragas, Physical Therapist I; Blessel Annielyn Nabor, Social Welfare I; Don Pacleb, In charge Occupational Therapy at Alicia Uson, In charge Special Education.