Nasa 1,200 na mga bata mula sa child development centers ang mabe-benipisyuhan muli ng 120-day Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 sa bayan ng Asingan.
Kabilang sa mga ipinamahagi sa 25 child development workers ay bigas, gatas, itlog, tinapay , prutas, gulay, yogurt drink, harina, oatmeal, cereal, palaman, veggie noodles, karne ng baboy at manok.
Sa kabuoan ay nagkakahalaga ang Supplementary Feeding Program ng halos tatlong milyong piso.
Layon ng programa na malabanan ang malnutrisyon para sa edad tatlo at apat na taong gulang.
Nangako naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na mamahagi ng tig isang refrigerator sa bawat child development center pagkatapos ng barangay election.