Mahigit 21K na Mag Aaral Na Nakararanas ng Malnutrisyon, Tinulungan ng Pangasinan SDO II
Taong 2019 nagsimula bilang Feeding Coordinator ng Narciso Ramos Elementary School si teacher Theresa De Vera at sa loob ng halos apat na taon na pamamalagi niya sa paaralan ay mahigit 400 na rin ang naging benepisaryo ng School-Based Feeding Program (SBFP) ng DepED.
Ayon sa kanya maganda ang programa ng ahensiya pero ang mas inaalala ni Teacher De Vera ay dapat matutuunan din ng mga magulang ang pagbibigay ng tamang nutrisyon sa kanilang mga anak sa bahay.
“Yung iba talagang nag iimprove naman pero may mga batang kasing kahit i-feed mo sila eh kung sa bahay naman wala talaga ganun pa rin. Dapat kahit nagbibigay dito sa school, yung mga magulang din sa continuous ang pagpapakain ng masusustansyang pagkain.” ani ni De Vera.
Layunin ng programang ito na malabanan ang micro nutrients deficiency and anemia ng mga mag-aaral na kabilang sa severely wasted and wasted base sa kanilang nutritional status na nakapaloob sa sa ilalim ng ng RA 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.
“Nasa 21, 347 mga bata ang allotted sa amin na papakainin, so that is for 120 days para sa nutritious food products na tinatawag po namin. Yun yung may mga ibibigay kaming biscuits, bread ganun and then 43 days para naman sa milk feeding namin.” ani ni Nurse II Maria Corazon Salinas ang Division II Focal Person ng School-Based Feeding Program.
Dagdag pa ni Salinas target na simulan ang programa ngayong buwan ng Oktubre para sa kinder hanggang grade 6 ng nasa 458 na pampublikong paaraalan mula sa ika-apat, ika-lima at ika-anim na distrito na nagkakahalaga ng 69 milyong piso para nutritious food na dapat ay aprobado ng Department of Science and Technology o DOST.
Dumalo ang nasa 1,265 guro na nagsisilbing feeding coordinator sa isinagawang Division Orientation para sa School-Based Feeding Program sa bayan ng Asingan nito lamang nakaraang linggo.