Bayan ng Asingan, Kabilang sa IIlang Pinili Para sa Pilot Testing ng “Green Revolution 2.0” ng Pangulong Marcos Jr sa Rehiyon Uno
Upang maibsan ang kakulangan sa bansa ng suplay ng pagkain at mahal na presyo ng bilihin, inilusad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ‘Green Revolution 2.0’ o ang Halina’t Magtanim ng Prutas At Gulay, Kadiwa’y Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement (HAPAG kay PBBM.)
“And this program encourages our people to grow their own food and other kitchen ingredients close to home, which improves access to affordable, safe, nutritious meals every day,” ani ng Pangulo.
Kaya inatasan ni Pangulong BBM ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng sustainable agriculture activities sa barangay level.
“Isa ito sa paraan para ma-encourage po yung ating community na magtanim po ng mga gulay. Para makapag produce po tayo ng mga pagkain, para masupportahan po ang kani-kanilang pamilya, magkaroon sila ng libreng supply po ng gulay.” saad ni David John Rondal, Agriculturist II ng DA Region 1 at staff ng High Value Crop Development Program (HVCDP).
Kabilang ang bayan ng Asingan partikular ang barangay Toboy sa tatlumpong (30) lugar sa Rehiyon Uno na napili upang maging modelo ng “Gulayan sa Barangay”.
Sa ilalim ng programa ay mamimigay ang DA Region 1 ng libreng vegetables seeds, wheel burrow, planting toolkits na gagamitin ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pangunguna ng Parent Leader sa pagtatanim.
“So itong area requirement niya is 600 square meter tapos after nun dapat yung near backyard merong seven (7) na replication so may mga household din na magtatanim continous ito three years.” ani Minerva Rosas, Municipal Agriculturist ng Asingan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. kay Presidente Ferdinand Marcos Jr, sa Provincial Agriculture Office gayundin sag DA Region 1 sa pagpili sa bayan upang maging pilot testing ng programa.
Kabilang din sa mga napili ng programang ito ay ang mga bayan ng Agno, Bolinao, Burgos, Mangaldan, Calasiao, Alcala, Tayug at iba pa.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Councilor Julio Dayag, ang Committee Chairman Agriculture at Punong Barangay Frederick Guerrero ng Toboy.