Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Nasa P33M Halaga ng mga Kagamitan sa Tesda LMMSAT Napinsala sa Sunog

Jul
6,
2023
Comments Off on Nasa P33M Halaga ng mga Kagamitan sa Tesda LMMSAT Napinsala sa Sunog

Nasa P33M Halaga ng mga Kagamitan sa Tesda LMMSAT Napinsala sa Sunog

\Aabot sa labing isang silid aralan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) LMMSAT ang natupok sa nangyaring sunog Martes ng gabi July 4 sa Barangay Poblacion West, Asingan. Sa ulat, agad na kumalat ang apoy sa katabi nitong mga kwarto dahil pawang gawa sa light materials ang mga ito.

Laking panghihinayang naman ni Jess Salagubang, Vocational School Administrator III ng TESDA LMMSAT dahil kasamang natupok nasa tatlumpu’t tatlong (33) milyong piso halaga ng kagamitan na ginagamit ng mga iskolar.

“Talagang nakakapag hinayang lang nakakasakit ng damdamin, na wala naman tayong sinisisi. Pero talagang nag invest din tayo para training natin, para sa mga estudyante natin. Eh talagang masasabi natin na lahat ng mga gamit na yan eh na I provide natin para maging quality yung training natin. Kaya talagang honestly kagabi talagang pinapalakas ko lang yung loob ko, dahil halos matumba na ako.” pahayag ni Salagubang.

Tuluyan nang naapula ang sunog pasado alas onse na martes ng gabi ng idineklara ng Bureau of Fire sa pangunguna ni Provincial Fire Director, CInsp Ronaldo Perez.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon BFP Asingan sa pinangyarihan ng sunog.

“Pino-process natin yung area kumukuha tayo ng mga ebidensya para ipadala natin sa laboratory, pati yung electrical analysis niya. Mahirap kasi magbigay kaagad ng findings kailangan ang thorough investigation muna tayo.” ani ni Acting Municipal Fire Marshal F/INSP Wilfredo Nardo.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. katuwang si Vice Mayor Heidee Chua na tutulong sa anomang paraan para maipatayo ang TESDA LMMSAT.

“Actually makikipagcoordinate tayo sa TESDA LMMSAT para kung ano man maitulong ng local government para sa mabilisan maka-recover, makarequest ng bagong mga kagamitan, lalo na yung pag put up ng bagong classroom. So i will ask the Sangguniang Bayan to craft an resolution requesting the Chairman of TESDA, Secretary Mangandadatu to priority the appropriation of funding for the rehabilitation of TESDA LMMSAT and of course to our beloved President [Marcos Jr.]” saad ng alkalde.

Dahil sa pangyayari nasa dalawandaan (200) na scholar ng TESDA ang pansamantalang sinuspende muna ang on going na training nila.

Nagsagawa din ng inspeksyon sa mga pasilidad ng Luciano Millan National High school ang Principal na si Florencio Quezon upang matiyak ang kaligtasan ng nasa dalawang libo apat na raan (2,400) na mga estudyante at isangdaan at tatlumpu (130) na mga guro ng paaralan.

Bukod sa BFP Asingan ay kabilang din sa pinasalamatan ni Mayor Lopez Jr. ang mga rumesponding bumbero mula sa Umingan Santa. Maria, Tayug, San Manuel, Pozorrubio, Villasis, Rosales, Binalonan, Urdaneta at kay Provincial Fire Director, CInsp Ronaldo M Perez.

Ganun na rin sa mga residente, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga barangay officials, MDRMMO na pinapangunahan ni Dr. Jesus Cardinez, Police Major Katelyn May Awingan at PNP Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top