Upang higit na mapabilis ang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan tatlong (3) barangay sa bayan ng Asingan ang pinagkalooban ng sari-sarili nilang service vehicle.
Isang simpleng turn-over ceremony ang ginawa na pinangunahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua nitong Lunes ng umaga, ika-26 ng Hunyo sa harapan ng munisipyo.
Ang mga benepisyaryo ng mga barangay service vehicles ay ang barangay Coldit, Barangay Ariston West at Barangay Carosucan Sur.
“Napakalaking bagay po ito kasi additional service sa ating mga kabarangay, at nagpapasalamat kami kay apo Mayor Lopez ta’ binigyan kami. Wish granted nga ito eh matagal na naming hinihingi eh nagkataon na meron na. addtional ginhawa sa ating mga taga barangay para sa pangangailangan nila sa transport kasi may ambulance nga kami pero kung minsan nagkakaroon ng sabay sabay na pagsakay sa mga pasyente nakakatulong ito.” pahayag ni Punong Barangay Emit Sapigao ng Carosucan Sur.
“Actually adhikain ko ito, Nakita ko kasi yung hirap ng barangay sa pagbibigay ng serbisyo kung wala ito [sasakyan]. Nakikita ko yung mga BHW, yung mga tinatakbong mga pasyente, yung mga barangay council wala man lang masakyan pag sila’y napunta sa ibang ahensya ng gobyerno para humingi ng tulong.” ani ng alkalde.
Pinasasalamatan din ni Mayor ang mga tax payers ng Asingan dahil na rin sa pagbabayad ng mga ito ng buwis sa tamang oras.
Pinagmalaki din ni Mayor Lopez Jr. ang magandang ugnayan nila ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Heidee Chua para sa mga produktibong proyekto sa Asingan.
“Napakaganda po yung ugnayan, maraming pong basic services ang naibibigay because of walang pong pulitika dito sa Asingan kundi serbisyo lang po ang ating tinitignan. Dahil na rin sa immediate approval ng Sangguniang Bayan, sa lahat ng mga ini-endorse kong project sa pamumuno ng ating butihing Bise Alkalde at ng ating mga sampung councilors.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Sa kabuoan, nasa labing anim ng service vehicle na ang naipamahagi sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Nangako naman ang Alkalde na tatlo pang barangay ang mabibigyan ng sasakyan sa susunod na taon.
Dumalo rin sa nasabi seremonya sina nila Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Joselito Viray, Councilor Mel Lopez , Councilor Melchor Cardinez, Councilor Popoy Amistad, Councilor Julio Dayag kasama na rin sina PPSK President Fiel Xymond Cardinez at Liga ng mga Barangay President Letecia Dollente.