Mo-Tourism, Ibinida sa Bayan ng Asingan
Umaga pa lang ay dagsa na ang maraming motorcycle enthusiast at motocross riders ang bayan ng Asingan para makiisa sa kauna unahang Asingan SUPER Enduro Championship na pinangunahan ng kasalukuyang hari ng Philippine Motocross na si Bornok Mangosong.
“Unang una nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao, riders at sponsors natin kaya natuloy tayo sa karerang ito. The preparation was four months unti unti lang namin binuo yung concept along the way nakakita na kasi kami ng area dito sa Asingan. ” ani Mangosong.
Mahigit tatlumpong rider mula sa iba’t ibang probinsya gaya ng Benguet, La Union, Tarlac hanggang Mindanao ang nakiisa sa nasabing torneo at ang bawat kategorya ay umaabot ng labinlimang kilometro.
“Simple lang siya its more on natural terrain pero nilagyan namin siya ng mga obstacles, mga logs, yung mga tires tapos mga sand pit meron siyang mga ganun and the scoring system will be kung sinong unang tatawid sa finish line yun pa rin ang mananalo.” dagdag ni Mangosong.
Tiniyak naman ni Bornok na masusundan pa ang enduro tournament na katulad nito.
“Hopefully every year meron kami nito, actually matagal na po itong nasimulan ng father ko. Napakatagal na, ng mga bata pa kami nagpapalaro siya and gusto ko lang ipagpatuloy yung legacy na nagawa niya. Cultivating our grass root rider dito sa Pangasinan, sana magkaroon tayo ng homegrown talents madami naman magagaling eh.” pahayag ni Mangosong.
Nakikita daw niya ang unti unting pagtaas ng interest ng mga kabataan sa pagmomotor na maaring maging isang sports.
“Never give up if you want something talagang bigyan mo ng panahon huwag mong tigilan yan tuloy tuloy mo lang. Actually what we are doing right now is for the futute of our next generation riders dito sa Asingan. Ito po ay ginagawa ko para sa inyo para meron po kayong malaruan lahat ng mga kababayan ko dito.” saad ni Bornok.