Sa bayan ng Asingan, hindi na lang kasa-kasama sa bukid ng mga magsasaka ang mga kalabaw dahil ang kanilang gatas ginagamit na rin lokal na pamahalaan sa kanilang Milk feeding program.
Nito lamang lunes, umabot na sa kabuoang isangdaan at labimpitong libong (117,000) tetra pack ng gatas ng kalabaw ang naipamahagi ng LGU Asingan sa isanlibo at tatlong daan (1,300) little learners bilang pagtatapos ng programa.
“Next na diyan as follow up doon sa programa natin sa gatas is yung feeding program na, so will conduct again another feeding program. Na it would cover kung ilang buwan yan para makita natin yung epekto nito sa mga bata. At the same time feeding program with vitamins na yan we will incorporate introducing them food supplement vitamins.” ani ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Base sa mga ginawang pag aaral, ang gatas mula sa kalabaw ay mas mayaman sa vitamin A, protina at calcium kumpara sa gatas ng baka.
Una nang ginawa ang milk feeding program sa mga kulang sa timbang o malnourished na mga bata sa bayan ng Asingan.