Mula sa titulong “Danny I”, “The Demolition Man”, “Raise the Roof” at “Lakáy” pinagkakaabalahan ngayon ni 1998 PBA Rookie of the Year and the 2000 & 2001 MVP Danny Ildefonso ang isang Developmental League para sa mga kabataang nasa edad labing apat (14) pababa.
At sa kakatapos na ang kauna unahang Lakay Danny Ildefonso D League, nagkampeon ang Millanians Basketball Sports Club (MBSC) Asingan nang tambakan nito ang PMW Unzad, Villasis sa score na 89-75 na bakbakang ginanap sa Baranay Cabuloan, Urdaneta City.
Nagpasalamat naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa panibagong karangalang dinala nila para sa bayan.
Ang mga manlalaro ng Millanians Basketball Sports Club (MBSC) Asingan ay mula sa Luciano Milla National High School, Narciso R. Ramos Elementary School at Eylim Christian Academy Inc. sa ilalim ni Coach Calixto Agpalasin at school head na sina Florencio Quezon jr. (LMNHS), Rubyan Plamo (ECA) at Joseph Reyes (NRRESSC).
Layon ng Lakay Danny Ildefonso Developmental League na mabigyan daan ang mga bata na matutong maglaro ng basketball sa tamang paraan, pati na rin malaman ang disiplina at sportsmanship.