???????? ????????? ????, ??? ???? ?? ???????? ????
Habang papalapit ang kapaskuhan at bagong taon, kabi-kabilang grasya ang natatanggap ng mga residente ng Asingan kabilang na rin ang mga barangay officials, mula sa lokal na pamahalaan.
Tunay ngang it’s the most wonderful time of year dahil nitong araw ng Lunes ay pormal nang pinasinayaan ang bagong Barangay Hall ng Poblacion West.
Ang proyektong ito ay mula sa Internal Revenue Allotment o IRA ng LGU para sa taong 2022.
Naglaan ang LGU ng pondong nagkakahalaga ng 2.5 milyong piso sa barangay hall na ito.
“Nakita ko yung tuwa ng bawat barangay official at bilang ama ng bayan natutuwa din ako at nasisiyahan kasama ko ang Sangguniang Bayan na pinapangunahan ni Vice Mayor Heidee Chua kaming lahat natutuwa sa accomplishment natin. Mas maganda yung tulong tulong kaya nga may team unity, yung team unity na ito ang alam kong susi sa mas productive pa na Asingan.” ani ng Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon din kay Mayor Lopez Jr. kasunod nito ay ang bagong barangay hall ng Poblacion East.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nakapagbigay na ng walong sasakyan sa ilalim ng administrasyon ng alkalde.
Kabilang dito ang barangay Sobol, barangay Domanpot, Barangay Toboy, Barangay Carosucan Norte, Barangay Macalong, Barangay Ariston East, Barangay San Vicente West at Barangay Cabalitian. Dumalo sa blessing at turn-over sina Asingan Vice Mayor Heidee Chua, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Mel Lopez, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Julio Dayag, Councilor Melchor Cardinez, Councilor Joselito Villanueva Viray, Councilor Virgili Amistad at PPSK President Fiel Xymond Cardinez.