Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?????? ????????, ??????? ??????? ?? ?????? ???????? ?? ??? ???????

Nov
16,
2022
Comments Off on ?????? ????????, ??????? ??????? ?? ?????? ???????? ?? ??? ???????
Hulog ng langit! Ganito mailalarawan ni Punong Barangay Virgilio Soberano Jr. ng barangay Sobol, nang mapabilang ang kanyang lugar sa mga nabigyan ng bagong sasakyan ng lokal na pamahalaan ng Asingan nito lamang lunes November 14.
“Napakalaking bagay ito para sa mga barangay, eh siyempre kung may lakad tong mga barangay officials meron na kaming gagamitin. Kung may mag-request sa aming barangay na magpapacheck-up o di kaya may pupuntahan, pwede naman na ipagamit namin sa kanila basta may sariling driver. ” ani ni PB Soberano Jr.
Kabilang din sa nabigyan ng bagong sasakyan ang barangay Domanpot, Barangay Toboy, Barangay Carosucan Norte, Barangay Macalong, Barangay Ariston East, Barangay San Vicente West at Barangay Cabalitian.
“Noong nabigyan ako ng pagkakataon na manilbihang mayor, yun na yung naging isa sa mga minimithi kong maibigay na serbisyo sa ating mga ka-barangay. Una sa lahat dapat sa barangay maayos din ang mga facilities nila. Pa-paano sila makapagsilbi ng mas maayos kung wala naman silang mga facilities? kagaya ng barangay hall, health center, daycare center at yung mobility ng barangay.”” pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon din sa alkalde nasa halos walong milyong piso na halaga ang nagastos mula sa capital outlay ng office of the mayor.
“Isa yan sa mga pangarap ko at pangarap nila [barangay officials], I see to it na hanggang ako ang Mayor, mabibigyan ko lahat yung 21 barangay. ” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Una ng nagbigay ang lokal na pahalaaan ng Asingan ng bagong sasakyan nitong 2021 sa barangay Calepaan, barangay Bobonan at Barangay San Vicente East .
Nangako naman ang Alkalde na siyam na barangay pa ang mabibigyan ng sasakyan sa susunod na taon.
“Yung iba hindi pa nabigyan ngayon because ang pinili nila is yung barangay hall kagaya ng Poblacion East at Poblacion West. ” saad ng alkalde.
Sa facebook post ni Vice Mayor Heidee Chua, sinabi niya na patuloy ang paghahatid ng tapat na serbisyo at pagsuporta sa residente ng Asingan mula sa kanilang grupong Lopez-Chua kasama ang walong mga konsehal na kinabibilangan nila Councilor Ira Chua, Çouncilor Marivic Robeniol, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Joselito Viray, Councilor Mel Lopez , Councilor Mlechor Cardinez, Councilor Popoy Amistad, Councilor Julio Dayag kasama na rin sina PPSK President Fiel Xymond Cardinez at Liga ng mga Barangay President Letecia Dollente.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top