????????????? ?? ????????? ?? ??? ????, ??????????? ?? ????? ?? ???????
Matapos ang dalawang taong online classes may mga ilan pa rin na mga estudyante ang halos hindi makabasa ayon kay Asingan District Supervisor 1 Dr. Jimmy Laroya.
Kaya bilang tugon, naglatag sila ng learning recovery plan sa pamamagitan ng Project JSEF o Joy of Sharing Enlightenment Forever sa pamamagitan ng pagbabasa.
“Nagkaroon tayo ng ganitong konsepto kasi nitong nakaraang pandemya nakita po namin yung effect ng modular instruction sa ating mga bata. Kasi nga without the presence of the teachers in their own respective rooms, na kung saan mga magulang lamang yung nagtuturo parang may kakulangan. And so the results of our test may mga lumabas na non readers and from that result of the pre-test, doon na nag come up itong program para matulungan namin yun mga nangangailangan ng tulong.” ani ni Dr. Laroya
Siyam na paaralan ang lumahok sa reading program ng distrito na nagsimula ngayong buwan ng Nobyembre at magtatagal hanggang Mayo sa susunod na taon.
“Bawat eskwelahan may kanya-kanyang reading program, Bawat teacher may kanya-kanyang mga instructional materials na siyang gagamitin sa bawat grade level mula kinder, grade 1 up to grade 6.” dagdag ni Dr. Laroya.
Katuwang sa programang ito ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua na naglalayon na hikayatin ang mga bata na magbasa upang hindi magkaroon reading illiteracy sa mga ito.
“Kung kailangan bumili tayo ng mga reading books, na naaayon sa aklat ng DepEd bibili tayo. Para ang books na natin is one is to one, hindi na one is to five sa mga estudyante yun yung layunin ko for next year. Gusto po natin walang batang maiiwan.” pahayag ng alkalde.
Ipinapatupad ang Project JSEF sa Calepaan Integrated School, Carosucan East Elementary School, Carosucan Norte Elementary, Carosucan Sur Elementary School, Domanpot Community School, NRRES SPED Center, Sanchez-Cabalitian Elementary School, Sobol Elementary School, Teofilo Gante Elementary School. kalahok din sa programa si Mrs. Eva Gonzales na District Principal para sa English at Filipino.