??? ??????? ???????? ?? ??? ?????? ?????????? ???? ?? ??? ???? ?? ??? ?? ??? ????? ???????? ?? ???????? ????????
Dalawang motorsiklo at dalawang trisikel ang personal na inabot ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Councilor Ira Chua sa mga guro at ilang paaralan nito lamang nakaraang linggo.
Kabilang sa nabigyan ay ang Narciso Ramos Elementary School, Calepaan Integrated School at mga guro ng Alternative Learning System o ALS.
Binigyan diin ng Alkalde ang sakripisyo at dedikasyon ng mga guro ng ALS upang matulungan ang mga out of school youth upang makatapos ng pag-aaral.
“Nakikita ko kasi yung effort nila na pinupuntahan talaga sa kasulok-sulok ng Asingan yung mga batang na hindi kayang mag-aral. Magsilbing inspirasyon ito sa kanila na ituloy nila yung magandang nasimulan nila, yung magandang adhikain na makatulong doon sa mga out of school youth. Kasi as of now napakarami na ng na-produce ang ating bayan na galing po dyan sa programa na yan.” ani ni Mayor Lopez Jr.
Samantala target naman ng alkalde sa susunod na taon na magkaroon ng sapat na libro ang bawat mag aaral sa lahat ng pambublikong paaralan ng Asingan.
“Kung kailangan bumili tayo ng mga reading books, na naaayon sa aklat ng DepEd bibili tayo. Para ang books na natin is one is to one, hindi na one is to five sa mga estudyante yun yung layunin ko for next year.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.