??????? ?? ????? ?? ???????, ????-????-???? ?????? ?????????? ?? ???????? ?? ?????? ????????? ????? ?. ?????
Inilagay sa half-mast ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang bandila ng Pilipinas , simula ngayong araw August 1 hanggang sa mailibing si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ito ay bilang pagpapakita ng respeto at pakikidalamhati sa yumaong dating Pangulo.
Sabay sa pagkakaroon ng Monday Flag Raising Ceremony ay nag-alay din ng panalangin ang mga opisyal ng bayan at mga empleyado para sa yumaong dating Pangulo.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa pamilya Ramos.
Ayon kay Mayor Lopez Jr. sa ngalan ng mga Asinganians nagpapasalamat siya sa mga proyekto na naitulong ni FVR kagaya na lamang ng Narciso Ramos Bridge na nagdudugtong sa Asingan at Sta. Maria at naging dahilan para mapabilis ang pakikipagkalakalan sa mga karatig na mga bayan.
Pumanaw si dating Pangulong Ramos bandang alas-tres ng hapon kahapon, July 31 sa Makati Medical Center dahil sa komplikasyon sa COVID-19.
Ipinanganak ang dating Pangulong Ramos sa bayan ng Lingayen noong March 18, 1928, at lumaki sa bayan ng Asingan.
Si Ramos ay nagsilbing military chief at defense secretary noong 1992 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino , kung saan siya ay sumunod na Pangulo.
Nagsilbi rin ito bilang Armed Forces of the Philippines vice chief of staff. Isa rin sya sa mga lider ng EDSA People Power Revolution noong 1986.
Ayon kay dating Presidente Rodrigo Duterte, ang yumaong Pangulo ang nagkumbinsi sa kanya na tumakbo noong 2016.
Sa ilalim ng Duterte administration, itinalagang special envoy to China si FVR ng taon ding yun.
Naulila ni Ramos ang kanyang asawa, si dating First Lady Amelita Ramos, at ang kanilang apat na anak na babae.
Ang isa pa nilang anak ay ang singer na si Jo Ramos, na namatay noong June 27, 2011 dahil sa lung cancer.
Samantala, hindi naman napigilan naging emosyunal si dating Pangasinan Vice Governor Ranjit Ramos-Shahani nang alalahanin ang naging payo sa kanya ng kanyang tiyo.
“Ang pinaka importante kay FVR be honest, serve the people, serve the country to the best of your ability kasjay ti nanang tayo, kasjay ti lolo tayo, amin nga kabagyan that’s the ramos way-good way.”
Kabilang sa mga nagawang proyekto ng administrasyon ni FVR ay ang Sual Coal-Fired Power Plant at San Roque Dam.