.
??? ????? ??????????? ?????? ?? ????? ???????? ???? ???? ?? ??????? ???????; ?????? ????????????? ?? ??? ?????? ??????? ?? ?????? ? ?? ??????? ??????
Umabot sa kabuuang 2,192 bagong botante ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) Asingan sa katatapos na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa bayan.
Ito na ang pinakamataas na turn out ng mga botante sa loob lamang ng 18-araw na registration.
Kinumpirma naman ni Lenny Manangan Masaoy, Election Officer III ng COMELEC Asingan , na sa ngayon ay hindi pa muna maaring kumuha ng kopya ng voters certification ang isang bagong botante.
“Hindi pa, kasi ang approval pa ng Election Registration Board ay sa August 1 pa, after ng one week mga August 8 saka sila pwedeng makakuha.” paliwanag ni Masaoy.
Para naman sa mga dating botante ay maari silang kumuha ng kopya maliban na lamang kung hindi sila nakaboto sa nakalipas na dalawang eleksyon.
“As long as active yung record makakakuha, pero pag inactive na yung record kahit matagal na silang nagparehistro wala silang makukuha.”
Ang voters certification ay nagkakahalaga lamang ng pitumpu’t limang peso (P75).