Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ??????? ?? ?????????, ????????? ?? ????? ?? ????? ?????? ??????

Jul
21,
2022
Comments Off on ??? ??????? ?? ?????????, ????????? ?? ????? ?? ????? ?????? ??????

??? ??????? ?? ?????????, ????????? ?? ????? ?? ????? ?????? ??????
Nagsagawa ng misting at paglilinis ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kasama ang PNP Asingan at mga intern ng Urdaneta City University, ganundin ang mga residente sa barangay Calepaan kamakailan kasunod ng mga naitalang kaso ng dengue sa bayan.

Partikular na pinuntahan ang mga kabahayan na una nang nagkaroon ng kaso ng dengue.
“Hikayatin ko apo amin nga kakailyan nga maglinis po tayo, haan tayo hayaanen apo nga ada pay ti maging biktima iti pamilya tayo. Ito po ay personal na appeal ko po sa inyong lahat, na maglinis po tayo para wala pong biktima ng dengue.”ani ng alkalde.


Ayon naman kay Sharon Bugarin, Sanitation Inspector II ng LGU Asingan na wala pang bagong naiulat na kaso ng dengue sa bayan. Huling nakapagtala ng pitong kaso ng dengue ang Asingan nitong buwan ng Hunyo, 2022.

Inatasan na rin ang lahat ng barangay officials na gawin ang tinaguriang ‘4S’ o Search & Destroy o hanapin at sirain ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok ; Self-protection o protektahan ang sarili mula sa lamok, gumamit ng mosquito repellant kung maaari; Seek early consultation o agad magpatingin sa doktor sakaling makitaan ng sintomas ng dengue fever, gaya ng taas-babang lagnat nang higit sa dalawang araw, rashes at pagdurugo.

Una nang sinabi ng Provincial Health Office sa pamumuno ni Dr. Anna Maria Teresa de Guzman na 136 ang naitalang kaso ng Dengue nitong Enero hanggang Hulyo dise otso , 2022 , 72% na mas mababa kumpara sa 560 cases na naitala sa kaparehong period noong 2021.

 

 

 

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top