???????? ????????????, ????????? ?? ?????????? ?? ?????? ?? ??????????? ?????
Pormal nang binuksan nito lamang araw ng lunes July 4, ang unang sesyon ng Sangguniang Bayan at kabilang sa mga tinalakay ay ang hahawakang departamento ng mga konsehal.
“Tradition naman na kapag first regular session ng new term, yung mga implementing rules and procedures ng Sangguniang Bayan. And then yung kanilang standing committee chairmanship and yung mga barangay assignment for each SBM.” ani ni Vice Mayor Heidee Chua.
Hahawakan ni Councilor Ira Chua ang Committee on Education, Culture and Social Welfare; Committee on Tourism, Trade, Commerce and Industry; Committee on Health naman para kay Councilor Marivic Salagubang Robeniol; habang Committee on Peace and Order and Public Safety ang pangungunahan ni Councilor Johnny Mar Agunias Carig; si Councilor Joselito Villanueva Viray ay ang Committee on Market And Slaughterhouse, Committee on Environmental Protection.
Ang Committee on Good Governance, Public Ethics and Accountability at Committee on Public Works and Public Utilities and Facilities ang napunta kay Councilor Mel Franada Lopez; pangungunahan naman ng beteranong konsehal na si Councilor Melchor Cardinez ang Committee on Finance Budget and Appropriation at ang Committee on Rules, Privileges, Ordinance, Human Rights and Legal Matters.
Ang nagbabalik na si Coucilor Virgilio Popoy Isaac Amistad ay ang Committee on Women Family and Senior Citizens ang hahawakan; si dating Punong Barangay ng San Vicente West Councilor Julio Parayno Dayag ay itinalaga naman sa Committee on Agriculture and Cooperatives; Habang Committee on Youth and Sports Development si Pambansang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan (PPSK) President Fiel Xymond Cardinez at si LIGA President Leticia Ramos Dollente ay pangungunahan ang Committee on Barangay Affairs and Cultural Minorities.
Sinabi naman ni Vice Mayor Heidee Chua na magkakaiba man ang partido o political ideals , isinantabi na ito at magkaisa para sa mithiing maiangat ang bayan.
“Napag usapan din namin sa Sangguniang Bayan na wala na yung minority at majority so since we are team unity.” ani ng bise alkalde.
Dagdag pa ni Vice Mayor Chua na tutukan din ng konseho ang budget preparation para sa 2023.