Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?? ???????? ??????,??????? ?? ?????????? ?? ??????? ??????? ?? ??? ???????

Jun
7,
2022
Comments Off on ?? ???????? ??????,??????? ?? ?????????? ?? ??????? ??????? ?? ??? ???????

?? ???????? ??????,??????? ?? ?????????? ?? ??????? ??????? ?? ??? ???????
Isa sa mga pangunahing pinoproblema ngayon ng mga Pilipino ay ang kawalan ng disenteng matitirhan, lalo dumagdag pa ang pandemya.
Kaya naman ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Vice Mayor Heidee Chua ay naghanda ng programang libreng pabahay para sa mga kapus palad na residente ng Asingan sa tulong na rin ng National Housing Authority (NHA).
At nito lamang May 31 ay sampung tricycle driver na ligal na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Asingan ang unang naging benepisyaryo ng programa.
Ginawa ang pagpili sa pamamagitan ng raffle draw kung saan isa-isang binunot ng ilang presidente ng tricycle ng bawat barangay ang mga mabibiyayaan.

“Iveverify pa siya ng Local Housing Board kung talagang legit yung kanilang qualification, kasi mahirap naman. Baka mamaya yung mga nabunot na mga pangalan is may mga kaya pala o kaya may mga property pala.” ani ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Kabilang sa mga drayber ng trisikel sa napili ay mula sa Poblacion West, Dupac, San Vicente West, San Vicente East, Ariston East, Bobonan, Macalong, Cabalitian, Carosucan Norte at Toboy Centro.
“So susunod yung grupo ng palengke, ibibigay ko naman sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Heidee na bubunot ng sampu din. Para doon sa magiging beneficiary hanggang sa makumpleto na lahat yan at maisubmit sa National Housing Authority itong susunod na linggo.” dagdag ng alkalde.
Lubos naman ang pasasalamat ni Avelino Ambrosio, Presidente ng TODA-Asingan kay Mayor Lopez Jr. sa tulong na ibinigay niya sa kanilang grupo.
“Napakaganda talaga ng programa ng ating pamahalaan dito sa Asingan kaya nagpapasalamat kami sa kanya [Mayor Lopez Jr.] dahil ang puso niya talaga sa mga mamahihirap. Kaya sana bigyan pa siya ng malakas na pangangatawan para lahat ng programa niya matutupad para sa ikakaganda ng Asingan hindi lang sa TODA.” pahayag ni Ambrosio

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top