Kasabay ng pagdiriwang ng taunang Asingan Kankanen Festival ay muling magsasagawa ng libreng tuli ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa ilalim ng Rural Health Unit (RHU) sa pamumuno ni Dr. Ronnie Tomas.
Inaasahan ang nasa dalawandaan at sampung mga bulilit ang tatanggap ng libreng tuli.
Inaanyayahan naman ng RHU Asingan ang mga magulang na samantalahin ang pagkakataon at ipalista ang kanilang mga anak sa kanilang Barangay Health Worker President.