?????? ?????? ????? ???????????, ????????? ?? ???? ?????????
Laman siya ng mga beauty contest noong dekada trenta at kwarenta at maski lumipas na ang maraming panahon ay bakas mo pa rin ang kagadahan sa isang daang gulang na si lola Leonida Abboc ng barangay Carosucan Sur, Asingan.
Bonus pa ang matalas na pag iisip at malakas pa pangangatawan, wala rin daw itong bisyo noong kanyang kabataan.
“Maingat ako, hindi ako palakain ng karne – gulay yan madalas” ani lola Leonida.
Ayon sa kanyang anak na si Marcelo ay dalawang cup ng kanin ang kanyang kinakain, walang iniinom na gamot na pang maintenance kundi tanging vitamin c lang araw araw.
Bukod sa biyayang ng mahabang buhay, malaking bagay ang benipisyo ng gobyerno para sa mga centenaryo.
Nito lamang biyernes ay personal na iniabot ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang P10,000 cash incentives mula sa pondo ng lokal na pamahalaan ng Asingan kasama sina Office of the Municipal Social Welfare and Development Officer Mrs. Teresa Mamalio, Princess Poon at Office of The Senior Citizen Affairs (OSCA) Head Phaz Jover.
Sunod na matatanggap ni lola Leonida ang P100,000 bilang bahagi ng kanyang benepisyo na itinatakda ng Centenarians Act of 2016.