?????????? ???????????, ???????? ?? ???????? ?? ??? ????????? ???? ?? ??-???????
Gaya nga ng isang linya mula sa isang kanta, hindi talaga biro ang magtanim lalo na kung pabago bago ang panahon.
Kabilang sa problema ng mga magsasaka ay ang tag ulan dahil mas mahirap sa kanilang magpatuyo ng palay.
Kaya naman ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa ilalim ng Department of Agriculture ay gumagawa ng mga paraan upang masolusyunan ang problema sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Nito lamang araw ng huwebes May 5, namigay ang PhilMech ng Rice Processing System ng tig-iisang Single-Pass Rice Mill at Mobile Flash Dryers sa lokal na pamahalaan ng Manaoag at ng Movers Multi-Purpose Cooperative ng Natividad.
“Di po ba pag tag-ulan eh hindi mabili yung kanilang mga palay, dahil wala silang pinag tutuyuan yung dryers na tinatawag. Pero dahil ngayon meron na tayong drying facilities ang mangyayari dito, yung mga farmer natin pwede na nilang tuyuan yung palay at pwede nilang maibenta ng tuyo. Tapos kung ayaw nila ibenta yung tuyong palay na yun pwede nilang i-mill, binigyan din natin sila ng rice mill. Na magandang klase ng rice mill na makakapag pro-produce ng magandang klaseng bigas.” ani ni Dionisio Alvindia, Executive Director ng PhilMech.
Ang bawat post harvest facility ay nagkakahalaga ng walong milyong piso na mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund na taripang nalilikom mula sa Rice Tariffication Law na ipinasa ni Senador Cynthia Villar.
“Bakit ka nag-memechanize? una para mabawasan yung hirap ng pagsasaka at pangalawa ay para mapabilis yung pagsasaka. Di ba pag kalabaw yan aabutin ng isang buwan pero pagka-makina yan sandali lang, so andun yung essence ng time.” dagdag ni Alvindia
Ayon din kay dating alkalde Rodrigo Rafael ng bayan ng Natividad at Founder ng Movers Multi-Purpose Cooperative malaking bagay ang makinarya na ibinigay ng PhilMech upang madagdagan at tumaas ang kita ng kooperatiba.
“Ang dating problema pagka matagal ang ulan siyempre pagnaka-harvest ka na basa yung palay mamaya nangingitim na, so magiging mura na yung produkto. Pero ito na ngayon eh malaking tulong na, marami kaming matitipid at masasalba na palay” pahayag ng dating alkalde
Lubos naman ang pasasalamat sa ahensya ni Dante Pagal kasulukuyang chairman ng Movers Multi-Purpose Cooperative na may apatnaraang miyembro.
“Sa lahat po ng taga PhilMec at taga DA maraming maraming salamat po sa inyo, sa pagtulong niyo po sa aming mga magsasaka. Kasi malaking bagay talaga itong mga machines na ibinigay niyo mga traktor, harvester, itong rice mill, itong dryer kasi pagsa-private – mahal, samantalang dito ang magastos mo lang dito 70 percent malaki na matipid madali pa. “saad ni Pagal.
Kabilang din sa mga dumalo at nagbigay ng mensahe sina Natividad Mayor Rosita Rafael at Provincial Agriculturist Dalisay Moya.