Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?????? ???????? ?? ????? ?? ???????, ?????????

Apr
26,
2022
Comments Off on ?????? ???????? ?? ????? ?? ???????, ?????????
?????? ???????? ?? ????? ?? ???????, ?????????; ??,??? ?????? ?? ????????? ????-???? ????? ??????????? ?? ??????????? ???? ?? ???
Delikado ang pagbubuntis kung hindi ito mapapangalagaan dahil dalawang buhay ang nakasalalay.
Sa tala ng Department of Health nasa halos tatlumpong libong kababaihan ang namamatay sa Pilipinas taon-taon dahil sa pagbubuntis at panganganak.
Kaya naman muling nag-organisa ang mga miyembro ng Local Council of Women ng taunang Buntis Congress sa bayan ng Asingan.
“Actually yung Buntis Congress yan yung to give the young age pregnant women na mabigyan ng sapat na kaalaman para mapangalagaan yung sarili nila pag sila ay buntis, pati na rin syempre yung baby.” ani ni Vice Mayor Heidee Chua, ang chairperson ng Local Council of Women.
Nagbigay naman ng tips sina Municipal Nutrition Action Officer Nita Lopez at Public Health Nurse Marilou Torio hinggil sa tamang nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan kapag buntis.
Kaugnay nito, namigay din sa mga inang nagdadalang-tao ng mga buntis kit na kanilang magagamit sa panganganak.
Ang naturang kits ay naglalaman ng cotton balls, face mask, baby oil, femine wash, adult at baby diapers, alcohol, isang set ng damit ng para sa sanggol, at vitamins.
“May mga nagsabi na kahit na yung alam mo yung pambalot sa bata? wala sila as in wala, kulang sa gamit. Since indigent sila yung kagamitan para sa bata, kagamitan para doon sa manganganak wala talaga as pupunta lang sila dyan [RHU] para manganak na without preparation.” pahayag ni Rosalie Jover, Treasurer ng Local Council of Women.
Hinikayat naman ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga dumalo ng Buntis Congress na sa Asingan RHU Birthing Facility na lamang manganak.
“Nu nalaka kayo met aganak ditoy tayo laengen RHU, huwag na kayo manganak sa bahay kasi may peligro pag sa bahay at meron na tayong paanakan dito sa ating [birthing facility] center. Kasi dito may titingin sa inyong doctor, may titingin sa inyong nurse at kung kailangan niyo masuwero, masusuwero po kayo at may mga midwife po tayo.” payo ng alkalde.
Hinikayat din ni Mayor Lopez Jr. ang mga hindi pa nagpapakasal na samantalahin ang libreng kasal ngayon Hunyo.
Kabilang din sa mga opisyales ng Local Council of Women ng Asingan ay sina Councilor Marivic Robeniol, Margie Cular, Magdalena Ranot, Arceli Olivas, Analyn Borlagdatan, Rolandia Diego, Rosemari Mosquito, Marites Gumangan, Susan Olinares, Rizalina Misuela at Rose Ann Alfonso.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top