???-???????? ?????? ?????? ??? ???? ?? ??? ????????? ????????? ?? ???? ?????? ?; ?????: ??? ?????? ??????, ???????? ?? ??? ?????????? ???????? ???????? ?? ?? ?????
Ngayong mas marami ng bata ang may access sa internet dahil na rin sa online learning at para sa kanilang entertainment ay naglabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng isang mobile app na bukod sa kagigiliwan ng mga chikiting ay matuturuan din sila ng wastong pagtatapon ng basura.
Target ng Basura Buster Game App ang mga bata na nasa lima hanggang walong taong gulang o nasa elementarya.
“So especially kung nasa bahay naman sila hindi pa physically pumunta sa school, so pwede silang mag play nitong ating mobile app. Of course with the supervision din nung parents nila kasi ayaw naman natin na yun na lang ang gagawin nila. Its a very a instructional and educational game para ma-imbibe nila yung segregation na yun yung pinaka-object nung game matoto yung mga bata sa pagsegragate.” ani ni Maria Dorica Naz-Hipe, Ilocos Regional Director ng DENR Environmental Management Bureau.
Ipinakilala din ng DENR Region 1 sa pamamagitan ng Regional Solid Waste Management Advocacy Campaign na ginanap nito lamang nakaraang linggo sa Monarch Hotel, Calasiao ang pinakabago nilang mascot na si Pinas: The Basura Buster Mascot (PBB).
Ayon din kay DENR Regional Director Naz-Hipe, binabalak din ng ahensya na makipag ugnayan sa Department of Education (DEPED) para umikot sa iba’t ibang eskwelahan upang lalong makilala at mapalaganap ang Basura Buster Game App at si Pinas: The Basura Buster Mascot (PBB).
“Of course yung ating icon si PBB para meron din silang (mga bata) na nakikitang something physical na parang yun ang magiging symbol ng solid waste management. We shall set siguro within the year, halimbawa iikot tayo kasi sa LGUs or pwedeng cluster LGUs. And we will coordinate with the DEPED kasi sila yung talagang may direct supervision sa atin sa mga kabataan, katulong din natin sila sa pagpromote.” dagdag ni Regional Director Naz-Hipe.
Ang BASURA BUSTER GAME APP ay pwedeng ma-download ng libre sa pamamagitan ng Google Play Store o https://bit.ly/BasuraBuster