Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Sino ang maaaring magpabakuna sa darating na National Vaccination Days?

Mar
10,
2022
Comments Off on Sino ang maaaring magpabakuna sa darating na National Vaccination Days?
Sino ang maaaring magpabakuna sa darating na National Vaccination Days?
1. Mga may edad 18 taong gulang pataas na hindi pa nakakakuha o hindi pa kumpleto ang dalawang dosis
2. Mga batang may edad 12-17 taong gulang na hindi pa nakakakuha o hindi pa kumpleto ang dalawang dosis
3. Mga may edad 18 taong gulang pataas na maaari nang makakuha ng booster dose
Pwede ba makakuha ng booster dose sa National Vaccination Days?
Oo, magbibigay ng booster doses sa National Vaccination Days kung ikaw ay:
• Edad 18 taong gulang pataas
• Nakakakumpleto na ng unang dalawang dosis ng bakuna (isang dosis kung Janssen o Sputnik Light)
Siguraduhing makuha ang booster dose sa tamang panahon
Sino ang kailangan ng medical certificate?
Para sa edad 18 taong gulang pataas, kailangan ng medical certificate ng sumusunod:
• Mga nasa unang tatlong buwan ng pagbubuntis
• May autoimmune disease
• Na-diagnose ng Human Immunodeficiency Virus (HIV)
• Kasalukuyang ginagamot para sa kanser o wala pang 12 buwan mula ng matapos ang gamutan.
• Sumasailalim sa transplant
• Kasalukuyang ginagamot ng steroids
• Mga nakaratay na lamang sa bahay/kama at may taning na dahil sa sakit.
Sino ang kailangan ng medical certificate?
Para sa edad 5 hanggang 17 taong gulang, kailangan ng medical certificate ang sumusunod:
• May medical complexity
• May genetic condition
• May neurologic condition
• May metabolic/endocrine disease
• May cardiovascular disease (sakit sa puso)
• May obesity: BMI > 95th percentile for age and height.
• Na-diagnose ng HIV
• May tuberculosis
• May chronic respiratory disease (sakit sa baga)
• May renal disorder (sakit sa bato)
• May hepatobiliary disease (sakit sa atay, apdo)
• lmmunocompromised dahil sa sakit o paggagamot

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top