????? ?????????? ??????? ?? ????????? ???????? ????????? ?????????? ?? ???????? ???? ????
Sumailalim sa surprise drug test ang nasa siyamnaraan at isa (901) na elected at appointed barangay official sa dalawanpu’t isang barangay sa bayan ng Asingan.
Kabilang din sa mga sumailalim sa drug test ay mga Civilian Volunteer Organization (CVO), Barangay Health Workers (BHW), Sanggunian Kabataan (SK), Barangay Secretary, Barangay Treasurer at Barangay Record Keeper (BRK).
“Salamat doon sa nagboluntaryo na nagpa drug test atleast na i-prove natin sa sarili natin na wala tayong tinatago, wala tayong nililihim at mayroon tayong pakikiisa sa program ng gobyerno lalong lalo na sa pamahalaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.” ani ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Nagpaalala naman ang alkalde sa isandaan at labing walo (118) na individual na hindi dumaan sa voluntary drug tests na ang layunin ng naturang aktibidad na tiyaking hindi sangkot sa iligal na droga ang mga opisyal ng barangay.
“At doon sa mga hindi pa nagpa-drug test bigyan niyo ang halaga ito hindi to mandatory pero ito’y voluntary na kung saan ma-ipro prove mo sa taong bayan na ikaw ay malinis na elected officials. At salamat sa mga nagpa drug test atleast naiprove natin kaya natin sundin at kaya natin tulungan ang ating Pangulo na gawin at wakasan ang droga sa ating bayan Asingan at sa buong Pilipinas.” dagdag ng alkalde