? ?????????? ?????????? ??????? ???? ?? ????? ?????? ???????, ?????? ????????? ?? ??? ??????? ??????? ????; ???? ?,??? ??????? ?????? ???????? ?? ??????? ??????? ??????? ????????
Ininspeksyon ng mga tauhan ng National Housing Authority (NHA) ang lupang pagtatayuan ng libre at low cost na pabahay ng lokal na pamahalaan ng Asingan, Pangasinan sa barangay Carosucan Norte nito lamang nakaraang linggo.
“Ito may pagkakataon na yung mga kababayan natin na talagang very less fortunate na wala talagang tinitirhan. Halimbawa andyan lang sila sa silong ng mga tulay, sa ibaba ng mga irigasyon o mga informal settlers na magkaroon kayo ng decent na bahay. At yung mga katulad natin na kulang income gusto rin magkabahay mayroon din programa para sa kanila sisikapin yan ng LGU na mabigyan lahat ng mga gustong mag apply.” ani ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Aniya target sa programang libreng pabahay ng lokal na pamahalaan na mabigyan ang nasa isanlibong mahihirap pamilya at murang pabahay naman para sa mga empleyado ng gobyerno na sisimulan ngayong taon.
“Mayroong tayong Commitee na mag eevaluate doon sa pamilya kung sila ay maka-classify na para sa free housing o kaya’y doon sa low cost housing. Yung low cost housing yun yung sinasabi ko na may bayad pero kunti lang yung babayaran nila.” dagdag ng alkalde.
Sa ngayon ay mayroon nang inisyal na tatlong hektaryang lupa ang LGU Asingan para sa nasabing proyekto habang hinahanapan pa ng lupa para naman sa natitirang apat na hektarya.
Kabilang sa personal na bumisita sa pabahay ang mga miyembro ng Local Housing Board na kinabibilangan ni Municipal Planning and Development Officer (MPDO) Engineer Emeterio Laroya, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Teresa Mamalio, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Mel Lopez, Councilor Mark Abella, Councilor Jesus Pico, Councilor Melchor Cardinez, Liga ng mga Barangay President Letecia Dollente at miyembro ng Municipal Engineering Office.