‘????????? ?? ????????’ ?????? ?? ????? ?,??? ?? ????????? ?? ??????? ??? ?????????; ??? ???? ?? ?????????? ?? ??????? ?????, ????????? ??
Sabay na nagpabakuna kamakailan ang dalawampu’t dalawang taong gulang na mag asawang Mary Ann at Jayson Canin ng Barangay Calepaan ng kanilang second dose sa ginaganap na “Bakunahan sa Barangay” sa kanilang lugar.
Kabilang sila sa tatlong libo walong daan at limampu’t anim (3,856) na nabakunahan na ginanap sa Carosucan Sur Elementary School, Ariston-Bantog Elementary School, Calepaan Integrated School, Domanpot Community School at San Vicente West Integrated School.
Bukas araw ng Martes, nasa Sanchez-Cabalitian Elementary School ang Municial Health Officer upang ipagpatuloy ang bakunahan sa barangay.
Samantala hinimok muli ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang mga residente ng Asingan na magpakuna sa ikalawang Bayanihan Bakunahan ng pamahalaan ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na isasagawa sa December 15 hanggang December 17.
“Kukunin ko po itong pagkakataon para anyayahan po lahat ng mga kabayaan from 12 to 17 years old, adult at yung mga frontliners na gustong magpa-booster na. Pwede na po tayong magpa-booster itong dadating na December 15 to 17 tatlong araw po yan, ang venue po natin Municipal Gymnasium po. Lalong lalo na po yung magse-second dose please huwag na po kayong mag aabsent kailangan na pong magsecond dose kayo para protektado po kayo ng laban sa Covid virus.” paalala ng alkalde.
Sa datos na inilabas ng Municipal Health Office, umabot sa apatna libo apat naraan at pitumput walo (4,478) ang kabuuang bilang ng mga residente ng Asingan ang nabakunahan sa isinagawang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan National Covid-19 Vaccination Days nito lang November 29 hanggang December 1.