??????? ???? ?? ???????????? ??????????? ?? ?? ???????? ??; ???????????? ???? ?? ??? ????????? ?? ????
Sa ginanap na 3rd Annual Media Forum ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1 ay inanunsyo ni Camille Carla Beltran, ang Regional Focal Person ng ahensya na umabot na sa kabuoang isandaan at isang libo siyamnaraan tatlumpo’t anim (101,936) ang residente ng Pangasinan ang nakatanggap na ng kanilang Philippine Identification System (PhilSys) cards o mas kilala sa tawag na National ID.
Ipinabatid naman ni Beltran na sa mga nakatapos na ng kanilang registration subalit hindi pa nakatanggap ng PhilSys card na maari nilang makita sa website ng Philippine Postal Corporation (Philpost) ang status kung nasaan na ba ang kanilang ID.
“Kung titignan niyo po yung url https://tracking.phlpost.gov.ph i-access niyo po ito, paki-input po yung 30 digit na transaction number niyo po na nakalagay sa transaction slip makikita niyo po yun status kung asan na po ba yung id niyo. Pero kung walang lumabas po na result doon sa tracking, ibig sabihin nasa backend pa lang po ng PSA or sa Bangko Central.” paliwanag ni Beltran.
Maliban din sa door-to-door PhilID delivery ay inihahanda na rin ang PhilSys mobile ID sa 2022 na magsisilbing alternatibong digital ID ng mga registrants habang hinihintay ang PhilID cards.
“We are excited po to announce the plans of operationalizing the Phylsis Mobile Application, take note po there will be mobile application next year. This mobile app will enable registered users to verify their identity even without the physical card and transact with public and private sectors online aside from the array of online services that we intend to include in the app.” ani ni Beltran.
Kabilang din sa mga nilatag ng ahensya para sa susunod na taon ang pagkakaroon ng OFW Registration ng National Id sa mga piling consular sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan ay nasa isa punto apatnapu’t siyam na milyong (1.49 million) Pangasinense o animnapu’t anim (66) na porsyento ng target ng probinsya para sa taong ito ang nakatapos na ng registration para sa PhilSys card.