Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??????? ???? ?? ?????? ??????????, ??????????? ?? ?-??? ???????? ??????????? ?? ???????

Dec
3,
2021
Comments Off on ??????? ???? ?? ?????? ??????????, ??????????? ?? ?-??? ???????? ??????????? ?? ???????
??????? ???? ?? ?????? ??????????, ??????????? ?? ?-??? ???????? ??????????? ?? ???????; ????????? ?? ???????? ???????? ?? ??????? ?? ??????
Sa datos na inilabas ng Municipal Health Office, umabot sa apatna libo apat naraan at pitumput walo (4,478) ang kabuuang bilang ng mga residente ng Asingan ang nabakunahan sa isinagawang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan National Covid-19 Vaccination Days nito lang November 29 hanggang December 1.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa pitumpu’t isang porsyento (71%) ang nakatanggap ng unang bakuna habang nasa apatnapu’t siyam na porsyento (49%) na ang fully vaccinated.
Sa susunod na linggo ay muling aarangkada ang bakunahan sa barangay na sisimulan sa Barangay Carosucan Sur Elementary School sa December 6; Ariston-Bantog Elementary School sa December 7; Calepaan Integrated School sa December 9 at Domanpot Community School sa December 10.
“Kasi may mga kababayan natin na hindi naman tayo pare-parehas ang pamumuhay, kaya mas malapit yung venue sa kanila, hindi na sila kailangang maglabas ng pera para pamasahe hindi pa maantala yung trabaho nila. Ito suggestion ni Mayor [Carlos Lopez Jr.] at napag usapan namin ng mga staff ko na pwede namin gawin, para atleast madagdagan pa yung target natin na mapataas pa sa 70 percent ” ani ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer ng Asingan.
Ayon din kay Dr. Tomas, sa kasalukuyan ay available ang mga bakunang gaya ng Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Sputnik at Moderna.
“Itong susunod na linggo from Monday to Friday except for Wednesday kasi ang [December] 8 holiday, pupunta kami sa mga barangay ito ay open to all ibig sabihin walang A1,A2,A3 basta pumunta lang kayo mamili kayo kung anong gusto niyong bakuna.” dagdag ni Dr. Tomas.
Hinikayat naman ni Dr. Tomas ang mga residente na samantalahin ang ibinibigay na libreng bakuna upang matiyak na ligtas sa laban sa coronavirus disease.
“Sana para mas maganda pa itong Christmas natin dapat mabakunahan tayo, para atleast kung mabakunahan mas maluwag. Baka andun na tayo sa alert level one na pwede na tayong mamasyal, mag-celebrate ng mga okasyon.” pakiusap ni Dr. Tomas.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top