Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???? ?? ????? ?? ???? ???? ?????? ? ?????? ???????????

Nov
25,
2021
Comments Off on ???? ?? ????? ?? ???? ???? ?????? ? ?????? ???????????
???? ?? ????? ?? ???? ???? ?????? ? ?????? ???????????; ?????? ?? ????????? ?? ?????? ???? ??????? ???? ?? ??? ???? ?? ??? ????
Sa pagbisita ni Dr. Mar Wynn Bello, Assistant Regional Director ng DOH (Department of Health) Region 1 sa bayan ng Asingan, muli nitong pinuri ang inisyatibo ng local na pamahalaan para mabakunahan ang malaking bahagi ng populasyon ng bayan.
“Dito sa bayan ng Asingan nakipag usap kami kay Mayor [Lopez Jr.] at sa ating MHO (Municipal Health Office) na ipagpatuloy ang kanilang magandang performance dito sa ating vaccination drive kontra covid 19. Sa ngayon ay 63% na ng target nila para sa herd immunity, so kunti na lang para ma-hit nila 70 percent na population ng 1st dose.” ani Dr. Bello.
Sa panayam ng PIO Asingan kay Dr. Bello, nasa pitong daang libong kabataan na kabilang sa 12-17 age group ang target aniya ng Department of Health (DOH) Region 1 na mabakunahan kontra COVID-19 bago matapos ang taon.
Aniya malaking hamon ito sa kanilang ahensya lalo na at may kakulangan ng suplay ng bakuna.
“Ang problema lang natin ngayon ay medyo kulang yung bakuna na ibinigay ng DOH para macover ang lahat ng mga pediatric age group. More than 700,000 kasi ang babakunahan natin dito sa Region 1, ngayon ang narecieve natin ay 250,000 plus 100,000 ngayon na Pfizer.” pahayag ni Dr. Bello.
Sa ngayon ay ang Pfizer at Moderna pa lamang ang inaprubahan na i-bakuna sa mga menor de edad na 12 hanggang 17-anyos.
“Kasi Pfizer lang ang available para sa mga children ngayon wala naman moderna, dalawa lang bakuna ang pwede Pfizer and Moderna. Kaya sa ngayon ang panawagan namin sa mga LGU’s ay i-convert sana muna yung Pfizer na second dose into first dose, para sa ganun mabakunahan natin lahat ng first dose ang mga bata. ” saad ni Dr. Bello.
Dagdag pa niya na ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagbabalik ng face to face classes ng mga mga kabataan sa susunod na taon.
“Kasi kailangan talagang bigyan muna ng prayoridad ang mga kabataan na papasok na magfa-face to face sa kanilang mga paaralan at kailangan na nila magkaroon ng protection laban sa covid 19.” dagdag ni Dr. Bello.
Samantala, tiniyak naman ni Dr. Bello ang pagdating ng mga bagong supply ng bakuna partikular na ng Pfizer para sa mga tatanggap ng second dose.
“Kami po ay nagbibigay ng assurance na matatanggap niyo yung second dose agad agad basta ma hit na natin yung target. So mga kababayan natin dito sa Asingan at saka buong Pangasinan o Region 1 kami ay nakikiusap sa inyo na huwag sanang magrereklamo kapag medyo delayed ng kaunti ang inyong pagtanggap ng Pfizer second dose.” paliwanag ni Dr. Bello.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top