???-??? ??????????? ?? ???????????? ?? ?????? ????????? ??????? ?????, ?????????? ??????? ???? ?? ????? ?? ???????
Ginugunita ngayong araw ang 121th na anibersyo ng kapanganakan ni dating Ambassador Narciso Rueca Ramos, ama nina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Senadora Letecia Ramos-Shahani.
Nagsilbi siya bilang Ambassador sa bansang Argentina (1949-1952), India (1952-1956) Taipei (1956-1965) at Secretary of Foreign Affairs (1965 – 1968) sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“It is his 121th Birthday yan ang tatay ni President Ramos lolo ko, ni lola Angela Marcos Valdez Ramos ang pinsang buo ng tatay ni BongBong (Marcos) kaya si FVR (Fidel Valdez Ramos) at si FM (Ferdinand Marcos) magpinsan. Si Bongbong is my third cousin and behalf of the people of Asingan I wish him all the best.” ani Ranjit Ramos-Shahani, Kasalukuyang isa sa mga director ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa bansangTaiwan si Shahani.
Kaalinsabay nito ay personal na binisita nina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr at dating Bise-Gobernador Ranjit Ramos-Shahani, panganay na anak ni dating Senadora Letecia Ramos-Shahani , ang monumento na likha ni Ramon Mina Mamalio sa Narciso Ramos Elementary School.
Samantala, babalik sa politika si Shahani.
Nakatakda itong magsumite ng certificate ng candidacy bukas ng umaga sa COMELEC Dagupan para sa posisyong Board Member ng ika-anim na distrito ng Pangasinan.