Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??????? ?????, ??????’? ???? ?? ????????? ???? ????? ?? ???? ?? ???????

Nov
4,
2021
Comments Off on ??????? ?????, ??????’? ???? ?? ????????? ???? ????? ?? ???? ?? ???????


??????? ?????, ??????’? ???? ?? ????????? ???? ????? ?? ???? ?? ???????
Hindi na nakatanggi pa si Nikki Ambrosio nang yayain siya ng kanyang dalawang anak na makipag-kodakan kaninang umaga sa Asingan Public Plaza bago magparehistro sa isinasagawang Mobile Registration ng Philippine Statistic Authority (PSA) Pangasinan para sa mga menor de edad.
“Kung para sa akin po gusto ko po na ma-open kasi po para naman po maenjoy ng mga bata yung paglalaro nila mga ganitong parke kasi matagal rin po silang hindi nakapunta sa mga pasyalan para naman din po may family time puro na lang po kasi trabaho.” pahayag ni nanay Nikki.

Kabilang din sa mga bubuksan sa publiko ay ang People’s Park at Children Park Arts na agad namang binisita ng magpinsan na si Daniela Morales at Emely Arorag.
“Maganda yung view at nakakabawas ng stress saka dito rin po kami kumakain, tapos nag aaral din po kami dito sir.” ani ni Arorag.
Sa abiso ng Local IATF, alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 43 bukas na muli ang mga pampublikong pasyalan na puwede na ring puntahan ng mga menor de edad.
“Effective bukas ng hapon bubuksan na natin yung public plaza, para naman hindi na lumayo yung ating mga kababayan na pumunta sa iba’t ibang lugar. Dito na lang sa Asingan atleast may recreation area na pwede nilang puntahan na.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga residente na sumunod sa minimum health standard gaya ng pagsusuot ng face mask, faceshield, physical distancing at pagpapanatili sa 50 percent capacity .
“Open everyday except kung may araw na ipapa-close ko at magdi-disinfect para mas safe pa rin sa mga taong bayan.” dagdag ng alkalde

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top