92 ANYOS NA LOLA, PINAKAMATANDANG NAGPOSITIBO SA COVID 19 SA BAYAN NG ASINGAN
Muling nadagdagan ng isang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Asingan ngayong araw. Ayon sa Rural Health of Asingan, itinuturing ngayon ang 92 anyos na lola mula sa Barangay Macalong bilang pinakamatandang nagpositibo sa COVID-19.
Si Patient No. 119 ay may travel history mula sa siyudad ng Urdaneta at kasalukuyang naka-home quarantine.