9 na kababayan na locally stranded sa Pangasinan-Tarlac border, nakauwi na sa Asingan matapos sumailalim sa Swab Test
“After kasi nila ma-swab kailangan nilang ma-release para pupunta na sa quarantine facility ng lokal government of Asingan para sa ganun ma-monitor at makumpleto yung 14 day mandatory quarantine at matignan kung safe na silang makihalubilo after 14 days” ayon kay Dr. Jesus Cardinez ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan ng Asingan.
Kasalukayang nasa Quarantine Facility ng Asingan sa pangangalaga na ng Rural Health Unit (RHU) ang nasa siyam (9) na residente na stranded sa border checkpoint sa bayan ng Rosales.
Ang pinauwing mga Locally Stranded Individual o LSI ay dadaan sa labing-apat (14) na araw na mandatory quarantine habang inaantay ang resulta ng swab test na sinagawa ng Provincial Health Office.
Sa kabuoan, animnapu’t pito (67) ang LSI sa border. Inaasahan na lalabas ang resulta ng kanilang swab test sa unang lingo ng Hunyo.
Samantala sa mga susunod na mga linggo ay inaasahan ang pagdagsa ng Returning Overseas Filipinos (ROFs) sa lalawigan ng Pangasinan.
? Akosi MarsRavelos ? JC Aying