Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

84 NA MAKATANG KABATAAN SA BAYAN NG ASINGAN NAGPAKITANG GILAS SA PAGSUSULAT NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA

Aug
24,
2021
Comments Off on 84 NA MAKATANG KABATAAN SA BAYAN NG ASINGAN NAGPAKITANG GILAS SA PAGSUSULAT NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA
84 NA MAKATANG KABATAAN SA BAYAN NG ASINGAN NAGPAKITANG GILAS SA PAGSUSULAT NG TULA TUNGKOL SA PANDEMYA 
Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay likas sa mga Pilipino ang pagkahilig sa paggawa ng tula.
Isa na rito ay ang ating pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal na sa edad na walo nakalikha na ng tula sa katutubong wika na pinamagatan niyang, “Sa Aking Mga Kababata”.
Ang tula ay tungkol sa pagmamahal sa wika kung saan madalas nating marinig ang katagang, “Ang hindi magmahal sa sariling wika , masahol pa sa hayop at malansang isda.”
At bilang bahagi ng selebrasyon ng buwan ng Wika ngayong taon, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Asingan ng patimpalak sa pagsulat ng tula para sa mga kabataan .
“Isa po sa napili po ng konseho ng kultura at sining ng pamahalang lokal ay ang pagsulat ng sanaysay, unang una sa lahat nagpapasalamat po tayo sa lahat ng sumali ang ine-expect lang po natin na sumali is mga fifteen or twenty na kabataan at overwhelming po yung pagsuporta nila umabot po tayo sa walumput apat (84) na entry ng pagsulat ng tula.” ani Michael Soliven, Focal Person ng ng Konseho ng Kultura at Sining ng pamahalang lokal.
Ang piyesa ay naglalaman ng mga paksang may kaugnayan sa wika at kultura, pagpapahalaga at paggamit ng wikang Filipino’ at ‘pagpupunyagi sa gitna ng pandemya.
“Maganda yung mga pagpapahayag ng mga kaisipan nila naging malaya sila at saka may kaugnayan lahat sa kasalukuyang sitwasyon lalo na at may pandemya. Mas mahirap ito dahil ito tula, yung sanaysay kasi wala kang susundan basta yung kaisipan ng nagsulat or yung may akda nandodoon. Pero ito dapat obserbahan mo lahat yung mga ginamit na piyesa, yung mga taludturan nila, kung ano yung kaugnayan ng unang taludtud sa pangalawa hanggang sa huli” paliwanag ni Jose Venenciano, Principal IV ng Luciano Millan National High School (LMNHS).
Kabilang sa mga naging hurado ay sina Konsehal Mark Abella, ang kasalukuyang Chairman ng Commitee on Education & Social Welfare, Philip Nonales at Adoracion Gante parehong Assistant Professor IV ng Pangasinan State University Asingan Campus.
“Ang alam po namin ni mam [Adoracion] pupunta kami dito kunti lang ang babasahin namin hindi ganito karami. Sabi ko nga sana binigay na lang nila kagabi para nabasa na lang namin bago pumunta dito” kwento ni Nonales.
Ang mga tula ay huhusgahan sa pamamagitan ng kaugnayan sa paksa/tema 50%; istilo 25%; wastong gramatika at pagbaybay 25%.
“Naging kaakit-akit nga yung mga piyesa, dala ng kanilang kahusayan sa paggawa ng isang tula naipaparating nila kung ano yung naiisip nila at nadarama nila.” saad ni Gante.
Nakatakdang ihayag bukas araw ng Miyerkules August 25 ang mga mananalo sa nasabing patimpalak.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top