Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

6 NA BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA ASINGAN

May
8,
2021
Comments Off on 6 NA BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA ASINGAN


6 NA BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA ASINGAN; 94 ANYOS NA LOLO, PINAKAMATANDANG PASYENTE
Muling nadagdagan ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bayan ng Asingan. Ayon sa Rural Health of Asingan ngayong Mayo 9 4PM, 6 na bagong kaso ang naitala sa nakalipas na isang linggo.
Naitala ang pinakamatandang nahawa sa sakit ngayong araw. Si Patient No. 135 ay 94-anyos na lolo mula sa Barangay Carosucan Norte. Siya ay may travel history sa siyudad ng Urdaneta at kasalukuyang nagpapagaling sa Urdaneta Sacred Heart Hospital.
Si Patient No. 130 ay 45-anyos na lalaki mula sa Barangay Poblacion East. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 124 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Ang pang-131 kaso naman ay ang 47 anyos na lalaki mula sa Barangay Dupac at na expose kay Covid Patient no. 122 at kasalukuyang nasa Isolation facility na.
Mula sa Barangay Calepaan si Patient No. 132 NA ISANG 17-anyos na lalaki. may travel history ito sa siyudad ng Urdaneta at kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Patient No. 133 ay 43-anyos na lalaki mula sa Barangay Palaris. Na expose ito kay Patient no. 122 at kasalukuyang nasa Isolation facility na.
Panghuli si Patient No. 134 ay 31-anyos na lalaki mula sa Barangay Domanpot. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 122 at nasa Isolation facility.
Samantala dahil na rin sa muling paglobo ng kaso sa siyudad ng San Carlos na sa kasalakuyan ay may 106, mas pahihigpitin ang pagpapatupad ng kanilang polisiya laban Covid-19 simula bukas May 10. Ito ayon kay San Carlos City Mayor Julier Resuello. Kabilang dito ang pagbabalik ng market schedule ng mga barangay at ang pag-require ng quarantine ID/Pass sa bawat household.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top