Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

50 Frontliners ng Asingan na sumabak sa 2nd Mass Testing

Jul
1,
2020
Comments Off on 50 Frontliners ng Asingan na sumabak sa 2nd Mass Testing

50 Frontliners ng Asingan na sumabak sa 2nd Mass Testing, NEGATIBO ang resulta; Mga BHW, sunod sa sasailalim sa mass testing
Negatibo ang resulta ng swab test ng limampu (50) na frontliners na sumailalim sa Targeted Mass testing ng Provincial Government.
Sa pamamagitan ng isang e-mail na pinadala ni Rhoda Binay-an, Nurse III ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) kay Karen Viray, Medical Technologist ng RHU Asingan, ay nakumpirma ang mga negatibong resulta ng swab ng ilang personnel ng PNP, BFP, MDRRMO at RHU.
“Kung positive ako maraming kasamahan ko dito ang mahahawa sa akin, yun mapaparalyze ang health system natin pero sa awa ng Dios lumabas naman yung resulta. Atleast kampante na ako ngayon na wala akong Covid.” pahayag ni Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas
.
Maging si Dr. Jesus Cardinez
, MDRRMO officer at head ng repatriation team, na nagsusundo ng Locally Stranded Invididuals (LSI) at Overseas Filipino Worker (OFW) ay nakahinga na ng maluwag sa inilabas na anunsyo.
“Siyempre unang-una nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan tayo ng proteksyon araw-araw alam naman natin yung trabaho natin eh napakadelikado na mahawa sa Covid 19 kaya kailangan natin pag-igihan pa ang pagiging maingat.” saad ni Cardinez.
Sa pakikipag-usap ni Dr. Tomas sa Provincial Health Office, balak umanong sunod na isailalim sa Targeted Mass testing ang mga Barangay Health Worker o BHW.
“Hanggat hindi natin na swa-swab lahat halimbawa dito sa bayan natin meron pa rin tayong hinala kasi may mga asymptomatic eh hindi natin nadedetect kung hindi ii-exam.” dagdag ni Tomas.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top