Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

40 PSA ENUMERATORS SA BAYAN NG ASINGAN SUMAILALIM SA TRAINING

Jul
8,
2024
Comments Off on 40 PSA ENUMERATORS SA BAYAN NG ASINGAN SUMAILALIM SA TRAINING
40 PSA ENUMERATORS SA BAYAN NG ASINGAN SUMAILALIM SA TRAINING PARA SA GAGAWING “HOUSE TO HOUSE” POPCEN AT DBMAS
Bilang paghahanda sa pagsasagawa ng municipal level 2024 Population Census (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan sa bayan ng Asingan ay sasailalim sa limang araw na pagsasanay ang mga enumerators mula July 8 hanggang July 13.
“Yun po ang gagamitin na mga statistics po para atleast maka-implement ng data or policy and programs or interventions para po dito sa LGU.” pahayag ni Allen Joy Paulo, Statistical Analyst at CBMS Area Supervisor ng PSA Pangasinan.
Ang mga enumerators ay magbabahay-bahay para kunin ang kinakailangang datos gaya ng antas ng edukasyon, kalusugan, hanapbuhay o demographic at socio-economic status ng isang sambahayan at iba pa.
Pinangunahan nina Archiel Estarija at Vener Ryan Basa ang nasabing training.
Nagbigay din ng kanyang mensahe si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa enumerators na magandang pagkakataon ito para sa pagsisimula ng kanilang karera sa trabaho.
Magsisimula ang gagawing “house to house” ng mga enumerators sa July 15.Isasagawa ang POPCEN at CBMS sa loob ng 55 araw at inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top