NATANGGAP NA MAHIGIT SA 3,500 SINGLE-DOSE KONTRA COVID 19, SINIMULAN NG I-BAKUNA PARA SA A2 AT A3 NA RESIDENTE SA ASINGAN
Target ng lokal na pamahalaan ng Asingan na mabakunahan ang nasa 3,500 na mga residente na kabilang sa A2 at A3 priority list, gamit ang bakuna mula Johnson & Johnson sa loob ng 5 araw.
Nilinaw naman ng Municipal Health Office na ang mga A3 o with comorbidity ay dapat magpakita ng resita.
“Ano yung A2, A2 yung Senior Citizen 60 years old above, tapos yung A3 nasa 19 years old up to 59 year old na with comorbidity. Ano yung mga comorbidity na mga sakit, yung mga nagma-maintenance kagaya ng high blood, diabetes, asthma, mga may chronic diseases. Halimbawa A3, dapat may patunay silang may comorbidity age 19 to 59 kagaya ng resita for 3 months hindi yung kakariseta lang, kasi kung kakariseta lang pwedeng dayain yun.” ani ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer ng Asingan.
Ayon kay Dr. Tomas, nasa apat na barangay o aabot sa pitong daan na residente ang dapat makatanggap ng bakuna araw araw.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga bakunang Janssen (Johnson & Johnson) na ibinigay ng Department of Health (DOH) sa Lokal na Pamahalaan ng Asingan.
“Ito nga nasisiyahan ako dahil for the first time magmula noong nag umpisa ng magvaccine tayo ng anti Covid ito na yung pinakamalaking alokasyon na binigay nila [DOH]. Pasalamat ako kay Secretary Duque at sa Regional Director natin [DOH] ganun din kay Dr. Zarate at sa lahat ng bumubuo ng ating MHO dahil nadagdagan na ang alokasyon natin. I hope na dagdagan pa uli next week kahit ganito kadami uli kayang kaya natin i-vaccine lahat yan because nag join effort na ang munisipyo at mga barangay para kunin yung mga dapat na mabakunahan na, yung ating mga senior citizen at mga may comorbidities na mga A3.” ayon sa alkalde.
Sa mga nais magpabakuna ay maaari kayong makipag-ugnayan sa inyong barangay upang magpalista.
Para sa A2, mga Senior Citizen President at A3 naman ay sa mga Barangay Health Worker.
Romel Aguilar / Photo JC Aying