Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

28,000 HEKTARYANG SAKAHAN, MULING MAPAPATUBIGAN

Dec
9,
2020
Comments Off on 28,000 HEKTARYANG SAKAHAN, MULING MAPAPATUBIGAN


28,000 HEKTARYANG SAKAHAN, MULING MAPAPATUBIGAN NG NIA-PANGASINAN SIMULA SA ENERO 2021
Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) Pangasinan Irrigation Management Office na magkakaroon nang suplay ng tubig para sa mga sakahan na sakop nila sa lalawigan.
“Nagpapasalamat naman tayo dahil nagdagdagan itong ating San Roque Dam, kasi yung tubig na nanggagaling ng Binga at Ambuklao Dam ay sinasalo nitong San Roque so sa ngayon ay nasa level na tayo ng 277 meter above sea level so its a sign good enough na marami tayong mapapatubigan na mga palayan, sakahan sakop ng Agno River Irrigation System.” pahayag ni Engineer Cipriano Yabut, ang hepe ng Agno-Sinocalan-San Fabian-Dumoloc River Irrigation System.
Maalalang noong Oktubre ay nag-anunsyo ang NIA Pangasinan na pansamantala munang hindi makakapagbibigay nang suplay ng tubig sa mga sakahan dahil sa kakulangan ng tubig.
“Nagkaroon kami ng Inter Agency Meeting before at nung makita namin talagang ang baba nung level ng tubig ng San Roque na nasa 238 meter above sea level lang, ngayon ang napag usapan i-delay muna. Normally kasi ang umpisa namin ay November kaya ang ginawa namin is dinelay namin ang aming cropping operation dito sa right side [Agno River] hoping na ang San Roque ay madadagdagan ng tubig.” paliwanag ni Yabut.
Sakop ng Agno River Irrigation System ang mga sumusunod: San Manuel, Asingan, Villasis, Urdaneta City, Laoac, Binalonan, Manaoag, Sta. Barbara, Malasiqui, Mangaldan at Mapandan.
“Ako’y nagpapasalamat dahil yung concern natin na mga taga Asingan na-grant thru doon sa pagpapahayag nila na lahat ng mga barangay makapag-avail ng tubig ng NIA. Malaking bagay ito kasi libre yung patubig kesa naman mag-invest ka pa sa diesel wala ka ng matutubo. Ang baba na nga ng presyo ng palay tapos mataas pa yung consumption. Mas mahirap yung kalagayan din ng magsasaka at least yan free ang tubig isipin na lang natin yung abono at yung iba na rin na kailangan pa sa pagsasaka malaking tulong yan” saad ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Nakikinabang din sa suplay ng tubig mula sa San Roque Dam ay ang: Sta. Barbara, Calasiao, Mangaldan, Dagupan City, San Fabian, San Jacinto, Bugallon, San Nicholas, Natividad, Tayug, Sta. Maria at San Quintin.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top