Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

28 Estodyante Ng ALS sa Bayan ng Asingan, Hinasa sa Financial Literacy ng PPCLDO

Sep
19,
2024
Comments Off on 28 Estodyante Ng ALS sa Bayan ng Asingan, Hinasa sa Financial Literacy ng PPCLDO
28 Estodyante Ng ALS sa Bayan ng Asingan, Hinasa sa Financial Literacy ng PPCLDO
Sabi ng World Bank isa (1) lang sa bawat apat (4) na “adult” Filipinos ang may alam sa basic financial concept.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas dalawa (2) sa kada sampung (10) pinoy ang nabiktima na ng scam o di kaya’y nagkaroon ng issue sa paggamit ng iba’t ibang financial services.
Kaya naman itinataas ng Pangasinan Provincial Population, Cooperatives, and Livelihood Development Office o PPCLDO ang financial literacy ng ilang sektor isa na nga dito ang kabataan.
“Sa pamamagitan ng mga ganitong klaseng mga training eh mamumulat sila sa kung paano nila tamang i-manage ang kanilang kikitain. Through budgeting and through financial planning at saka yung iba’t – ibang mga investment na gagawin nila later on sa life when they start earning. Atleast dito pa lang sa umpisa sa kanilang kabataan na sila ay minomold natin inuumpisahan natin sila sa imulat sa reyalidad na tayo lahat dapat maging financial literate upang makamtan natin ang minimithi nating tagumpay sa buhay.” ani ni Nixon Amorada, ang livelihood section head ng PPCLDO.
Ayon kay Amorada ay nasa halos isanglibong (1,000) kabataan na ang lumahok sa pagsasanay kabilang na dito ang dalawampu’t walong (28) estudyante ng Alternative Learning System (ALS).
Sa kanya namang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang kahalagahan ng ALS at ang pagsusumikap ng mga mag-aaral na sila ay magpatuloy sa pag-aaral.
“The government now empowers those individuals na hindi na kayang mag aral hanggang sa college. Libre met apo, awan babayadan di ba? Wag kayong makuntento kung ano ang meron lang kayo ngayon, dapat magkaroon din tayo ng ambisyon anos kayo laeng kakabsat ” pahayag ng alkalde.
Dinaluhan din ang nasabing one-day training ng mga ALS teachers na sina Myra Ilumin Ladesma at Mary Jane Diosay.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top