Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

25 Na Graduate ng Training Program Mula sa MSWD Asingan, Nakatanggap ng “Hilot Kit”

Aug
14,
2024
Comments Off on 25 Na Graduate ng Training Program Mula sa MSWD Asingan, Nakatanggap ng “Hilot Kit”
25 Na Graduate ng Training Program Mula sa MSWD Asingan, Nakatanggap ng  “Hilot Kit”
Grade 6 pa lamang ng matututo sa panghihilot ang limampu’t tatlong (53) taong gulang na si Nanay Maritess Gamido mula barangay Bantog.
Ito daw ang ginagawa niyang paraan sa tuwing may masakit na parte ng kalamnan ang kanyang mga apo, asawa at iba pang mahal sa buhay.
Kaya naman ng mabalitaan niya may libreng skills training para sa massage reflexology at hilot wellness ay agad niya itong sinalihan.
“Ang nakikita ko po extra income po ito, makakatulong po ito pambili ng bigas, baon po ng mga apo ko kaya malaking pasalamat ko po sa MSWD at sa munisipyo natin, kay Mayor Lopez. Dahil ang buhay ng mga mahihirap naiiaangat po ang kabuhayan namin.” pahayag ni Nanay Maritess.
Nasa dalawampu’t limang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Solo Parents, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) at Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) ang nagsipagtapos sa limang araw na pagsasanay.
“Noong 2013 meron na kaming training na ganyan [massage reflexology at hilot wellness] talagang nakakatulong yan. Alam mo ba ang per day na income niyan ay pwedeng umabot mula 1,000 hanggang 2,500. ” ani ni Teresa Mamalio, Municipal Social Welfare and Development Officer ng Asingan.
Bukod sa pagsasanay ay nabigay ng din ng livelihood kit ang ahensya na may laman na baby oil, lotion, alcohol at towel.
Umaasa si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na malaki ang maitutulong ng bagong kasanayan na ito sa pagtataguyod para magkakaroon ng hanapbuhay.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Social Welfare Officer 1 Princess Poon, LGU Link Mary Ann Pascua at Carlos Gaco ang naging trainor sa nasabing aktibidad.
Sa mga nais maging bahagi ng training program tungkol sa manicure at pedicure, ay bisitahin lamang at magpalista sa opisina ng MSWD Asingan.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)
Photo Contributor: Richard Jay Murillo / Mark Francis Beltran (MSWD Asingan)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top