Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

21 Barangay Sa Bayan ng Asingan 100% Drug Cleared na ng PDEA

Feb
27,
2023
Comments Off on 21 Barangay Sa Bayan ng Asingan 100% Drug Cleared na ng PDEA

?

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan nitong nakaraang buwan na 100-percent drug-cleared na ang lahat ng mga barangay sa bayan ng Asingan.
Sa final deliberation, nakapasa ang barangay Toboy sa mga parametrong itinakda ng Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program para maging drug-cleared.


“Masayang masaya ako dahil finally the 21 barangays is already a drug free barangays pero we have to maintain programs against illegal drugs. Ngayon mas dodoblehin natin ang kayod para masigurado natin na hindi na makapasok ang droga sa bayan nating Asingan.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Habang nakatanggap ng Resolution for Retention of its Drug-Cleared Status ang barangay Ariston West, Bantog, Bobonan, Carosucan Sur, Macalong, Palaris, Poblacion West, San Vicente West at Sobol dahil na rin pagpapanatili na walang presensa at aktibidad ng iligal na droga sa mga nabanggit na lugar.
“Yun po ang kailangan nilang dapat kapa-ingatan, since cleared na po ang lahat ng barangay and then sakaling magpapabaya lang ang isa sa mga barangay official at hindi nila ma maintain at mapasukan lang sila ng drug personality diyan eh malaking problema. Hindi lang isang barangay ang tatamaan kundi buong bayan.” saad ni PDEA Provincial Officer Investigation Agent V Rechie Q. Camacho.


Samantala, negatibo naman sa iligal na droga ang nasa animnaraan walumpo’t dalawang (682) individual mula sa mga elected at appointed barangay officials, kawani ng lokal na pamahalaan ng Asingan, PNP, BFP at “People Who Use Drugs” (PWUD), base sa inisyal na report ng Municipal Health Unit (MHO) matapos ang isinagawang sorpresang mandatory drug test nito lamang nakaraang Martes ng umaga, February 21.
“Actually ito po yung pinaka-unang hakbang po natin na gagawin with coordination sa local government of Asingan, the PNP, the DILG and PDEA and course all the barangay kapitans po natin and kagawad. Gagawin po natin ito mga series of lecture proper, surprise drug test po sa ating mga baragay officials, CVOs and of course mga PWUD, mandatory and surprise drug test din po sa kanila. Kasi ito po yung unang step para makamit po natin yung pagkakaroon ng isang drug free municipality.” pahayag naman ni Police Major Katelyn May Awingan, hepe ng PNP Asingan.
Samantala, mahigpit naman na pinaalalahan ni Mayor Lopez Jr. ang publiko na maging mapagmatyag at iulat sa kinauukulan ang sinumang kahina-hinalang tao o aktibidad.
“Nanagawan ako sa lahat ng ating mga kababayan, na ipagbigay alam kung mayroon na kayong nakikita na meron ng transakyon [sa iligal na droga], ipagbigay alam po sa aking opisina o kaya sa opisina po ng ating mga punong barangays o dito sa opisina ni Police Major Awingan. Para masugpo natin agad at hindi na kumalat at maprotektahan ang ating mga kababayan at lalong lalo na yung mga kabataan.” dagdag ng alkade.
Sa kasalukuyan, dalawampu’t walong (28) mga bayan na sa Pangasinan ang drug cleared na ayon sa PDEA.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top