Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

2022 National Anti-Drug Abuse Council Performance Award

Feb
4,
2023
Comments Off on 2022 National Anti-Drug Abuse Council Performance Award

????? ?????? ?????? ?? ????? ?? ????? ?? ???????, ????????? ?? ????????? ?? ???? ?????? ?
Muling napabilang ang bayan ng Asingan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga munisipalidad at lungsod sa buong rehiyon uno na may pinaka-maayos na pagpapatupad at kampanya laban sa iligal na droga.
Ginawaran ng pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 1 ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa isinagawang 2022 Regional Anti-Drug Abuse Council Performance Awards sa Agora Events Center, Thunderbird Resort, San Fernando La Union Biyernes ng hapon February 3.
Ang ADAC Performance Audit ay taunang programa ng DILG na may layuning mapalawig ang mga epektibong gawain na ipinatutupad ng mga lokal na Anti-Drug Abuse Council sa laban kontra droga.
Ang prestiyosong parangal mula kay DILG Secretary Atty. Benjamin C. Abalos, Jr. kasama si Governor Ramon “Mon Mon” Guico III ay tinanggap nina Mayor Lopez Jr., Dr. Jesus Cardinez, focal person ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at Municipal Local Government Operations Officer Catherine Velasquez.
Kabilang din sa binigyan ng pagkilala ang mga bayan ng Aguilar, Alcala, Bayambang, Bolinao, Bugallon, Burgos, Calasiao, Dasol, Infanta, Labrador, Laoac, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, San Fabian, San Manuel, San Quintin, Santa Maria, Santo Tomas, Sison, Tayug, Umingan, Villasis at siyudad ng San Carlos.
Habang nakatanggap din ng cash incentives ang munisipalidad ng Anda, Balungao, Basista, Natividad, Sta. Barbara, Urbiztondo at siyudad ng Alaminos dahil sa mataas na grado dahil sa pagkakaroon nito ng high functional rating sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit sa nakalipas na taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top